- Sa totoo lang, nahirapan ako sa Board Licensure Examination for Professional Teachers o kilala din sa acronym na LET. Bukod sa kulang ako sa paghahanda, hindi rin ako nagtapos sa kursong edukasyon -- isa akong unit earner. Ano nga ba ang isang unit earner? Ang unit earner ay ang mga professional na hindi nagtapos ng kursong edukasyon ngunit kumuha ng minimum required units (18 units) para maging eligible kumuha ng LET. Sa ibang kolehiyo o unibersidad ang program para sa unit earner ay tinatawag na TCP (Teaching Certificate Program), CPE (Certificate of Professional Education), at marami pang iba.
- Makukuha ang 18 units sa loob lamang isang semester. Ngunit may ibang kolehiyo o uniberisidad na nagbibigay ng 24 units, 30 units o higit pa para sa unit earner's program -- pero syempre doon ako sa 18 units, yun lang naman ang kailangan sa PRC eh. Ayos di ba? Sa loob ng limang buwan parang education graduate na din. Ngunit bilang isang unit earner, masasabi kong kulang ang matututunan mo sa loob ng limang buwan o isang semester lalung lalo na sa larangan ng edukasyon. Malawak ang larangan ng edukasyon, kailangan talaga maging matyaga sa pagbabasa ng mga aklat, journals, articles, mga research, atbp. patungkol sa edukasyon -- mas maganda din kung magkaroon ng exposure sa pagtuturo para magkaroon ng malawak na pangunawa sa edukaskyon.
- Sa mga unit earner na mag-fifile ng requirements sa PRC, kailangan magpa-assess muna kung anong major ang tutugma sa bachelor's degree na nakuha sa kolehiyo. Hindi maaring mamili ng major -- ang PRC ang magbibigay nito. Nung nagpa-assess ako sa PRC, Values Education ang ibibigay sa aking major. Isa nanamang pagsubok dahil hindi ako Values major -- nagtapos ako sa kursong Pilosopiya pero "related" naman sila, kaya naging positibo ako. Sabi ko sa sarili ko susundin ko lang sa pag-sagot sa exam ang basic moral principle "Do GOOD, avoid EVIL."
- Sabi ng karamihan, mahirap daw mag proseso sa PRC. I-handa ko daw ang sarili ko sa pag akyat at pagbaba ng hagdan at mga mahahabang pila. Pero matapos ang lahat ng pananakot na iyon, hindi ko ito na-experience. :) Ang bilis ng proseso nung nag-file ako ng requirements sa PRC -- marahil pinagpala ako nung araw na yun dahil extended ang filing. Anung ginawa ko? Nagpunta sa PRC ilang araw bago ang extended deadline of filing -- kaunti nalang ang mga tao nung mga araw na yun. A FRIENDLY REMINDER: Bago pumunta ng PRC, aralin muna yung proseso ng pag file, kumpletuhin ang anu mang requirements na hinihingi ng PRC (kailangan specific sa requiement na hinihingi ng PRC) at HUWAG BIBILI NG WHITE ENVELOPE WITH METERED STAMP SA LABAS NG PRC upang maiwasan ang anu mang aberya. :)
- Nang matapos ang pag-file ng requirements, paghahanda na sa board exam ang aking ginawa. Nung mga panahong iyon, wala akong panahong mag review center dahil nagtuturo ako sa kolehiyo. Hiniram ko ang mga reviewer ng kapatid ko for General Education at Professional Education from PNU. Pag wala akong ginagawa binabasa-basa ko siya pero hindi ko talaga sya matutukan dahil kailangan ko din maghanda ng ituturo ko; maghanda sa mga events at activities ng school; at kailangan din gawin ang mga paperwork na kailangan naming ipasa. Ang masaklap wala akong makitang LET reviewer para sa Values Education. Sinuyod ko ang buong kahabaan ng Recto pero wala talagang available na LET reviewer for Values Education. Ang ginawa ko nalang, bumili ako sa labas ng PRC ng photocopy ng exam for Values Education. Pinagaralan ko yung mga topic ng questions at nag research ako sa mga terms na nakalagay sa choices sa bawat tanong lalo na kapag hindi ko alam ang sagot. Matrabaho sya, pero worth it naman. TIP: Kung bibili kayo sa labas ng PRC ng mga photocopy ng exam, HUWAG NYO SUNDIN ANG ANSWER KEY NA NASA LIKOD -- mali ang mga sagot doon dahil sila sila din daw ang sumagot noon.
- Kasabay ng paghahanda sa pagkuha ng exam ay ang mga mataimtim na panalangin. Madalas ako nagpupunta ng St. Jude Shrine sa may Malacañan dahil malapit lang ito sa unibersidad na pinagtuturuan ko. Sabi, si St. Jude daw ay patron of desperate and hopeless cases kaya di ako nag-atubiling lumapit sa kanya -- yung hopeless case nga napagbibigyan yung case ko pa kaya. :) Nag dadasal din ako kay Our Lady of Perpetual Help sa aming parokya sa Sacred Heart Parish - Kamuning. Syempre ang main event --- magpa-bless ka at ipa-bless lahat ng gagamitin mo sa exam, para banal na banal ka at iyong mga gamit sa araw ng exam. :) Pero bottomline is, ask for Divine Providence. I-offer mo lang kay Lord ang iyong endeavor -- sabi nga nila "Do your best and God will do the rest." Always remember, "God answers all our prayers in a way that is best for us."Sabi ng mga kakilala ko na nag exam ng LET at nakapasa, kailangan daw one week before the exam just relax, chill out and enjoy life nalang daw ang get enough sleep -- hindi ko nagawa yun. Dahil kulang na nga ang panahon ko mag review nagkumahog akong magbasa isang linggo bago ang exam. Pero isang araw bago ang exam nag relax nalang ako at natulog ng maaga -- it worked for me. :)
- MARCH 29, 2015: THE BIG DAY - LET it go! Chill lang kami lahat sa room. May mga nagkwe-kwento ng experience nila sa paghahanda. Ako? I'm trying to act normal kahit feeling ko unti unti ng nawawala lahat ng nabasa ko -- pero kalma lang. Remember, always follow the instructions of your proctor/s at HUWAG BIDA BIDA.
- GENERAL EDUCATION: First wave, fresh na fresh ka pa sa part na ito. Always remember anything under the sun maaring lumabas dito. During the exam mabubuksan mo ang mga lumang baol sa utak mo na tila limot mo na yung mga tipong galing pa sa childhood memories mo, kinder, elementary, high school at college. Minsan may mga tila "out-of-this-world" pa na mga tanong.
- PROFESSIONAL EDUCATION: Second wave, medyo ok ka pa sa part na ito -- medyo shocked lang ng bahagya ang utak mo dahil sa mga out-of-this-world na tanong na na-encounter mo sa General Education. Level up na ang mga tanong, mostly situational. Medyo na frustrate din ako dahil naka 20 questions na ata ay wala pa akong siguradong sagot. Ang nakapagtataka bakit wala sa exam na yung karamihan ng nabasa ko galing sa reviewer... anyway, dito talaga masusubok ang pundasyon mo sa edukasyon. Lahat ng mga "ism ism" dito lalabas. Buti nalang sa exam na natapat sa amin wala masyadong Republic Acts (RA's).
- MAJOR: VALUES EDUCATION: Last wave, kahit sabaw na ang utak mo sa part na ito eh kailangan paring ituloy ang laban. Akala ko magsusurvive na ako sa basic moral principle na "Do GOOD and AVOID EVIL" -- I was wrong. Parang extension siya ng Professional Education exam. Nabuhayan din naman ako ng loob dahil karamihan ng natalakay namin sa Pilosopiya ay nandoon sa exam -- kahit papaano may mga ngiting namutawi din sa aking mga labi. Sa examination ng Values Education dalawa ang highlights Morality and Conscience plus kailangan at least may idea sa Guidance and Counseling.
- Matapos ang sampung oras natapos din ang LET, ngunit nagsimula naman ang worst part "the agony of waiting." Sa pag hihintay doon mo na malalaman ang mga maling naisagot mo sa exam at bawal daw ang may bura dahil magiging null and void ang exam mo -- mind you, makakadagdag ang mga ito sa anxiety at stress mo. Nandyan na din yung mga taong magtatanong saiyo kung kumusta ang exam at kailan lalabas ang result -- medyo nakaka-pressure lang. Sa mga panahong ito, babalik ka ulit kay Lord para at least maibsan ang agony, anxiety, and stress na dulot ng paghihintay.
- MAY 15, 2015, ito daw ang expected release ng result. Maraming nagmatyag, nag-abang, at UMASA. Natapos ang araw walang result na lumabas galing PRC. Lalong tumaas ang stress level ng mga naghihintay ng result -- extended ang agony of waiting. Ang hugot pa ng iba "pati ba PRC paasa na din?"
- MAY 23, 2015. Ang sarap ng upo ko sa aming bahay habang nagfa-facebook. Biglang may lumabas na link sa aking newsfeed at nakalagay doon na "PRC releases the results for March 29, 2015 LET." Sabi ko baka "hoax" lang dahil hindi kilala ang link -- tulad lang kasi sya ng ibang link na lumalabas sa facebook para ma-like and share tapos "phising" lang pala ang pakay sa account mo. Pero out of curiosity I still checked it, at bumulaga sa akin ang List of Successful Examinees. Biglang nanginig ang mga kamay ko at bumilis ang tibok puso ko -- sabi ko sa sarili ko "Lord, this is it." Pumasok ako sa kwarto ko at doon ako nag check ng aking pangalan sa laptop. Pumunta ako sa PRC website at dahan dahan as in paisa-isang letra ang pag type ko. Nang mabuo ko ang apelyido ko -- ayun #7652. Kakaibang tuwa ang naramdaman ko -- isa na akong Propesyunal na Guro.
- Hindi ko maitatanggi na nakatulong ang pressure mula sa mga taong naniniwala na maipapasa ko ang LET -- ito yung mga pagkakataon na nagkakaroon ng magandang dulot ang stress and pressure sa atin. Dahil dito, nagkaroon ako ng motivation -- nakakahiya pag bumagsak ako. :) Kidding aside, laging tatandaan na mahalaga ang tiwala sarili at higit sa lahat ang tiwala sa Diyos. Aminado akong hindi sapat ang paghahanda ko sa LET, I just took a "leap of faith" and surrendered everything to Him. And this was my LET journey -- Jay Mhar Gaffud po, Professional Teacher.
Monday, September 21, 2015
My Unforgettable LET Experience (LET from a Unit Earner's Perspective)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Psychology Major student po. About to graduate next semester. And was planning to get education units. Nakaka-inspire po ang journey mo sa LET. Worth it po ang pagbabasa ko. :)
ReplyDeletePsychology Major student po. About to graduate next semester. And was planning to get education units. Nakaka-inspire po ang journey mo sa LET. Worth it po ang pagbabasa ko. :)
ReplyDeletenakakatuwa po kayo magkwento! hahahah! kala mo hindi mo di philosophy ang trip e! 😂 you reminds me of my favorite prof who has same course po like you! nakakatawa din po sya pero patipong pipilosopuhin ka nya hahaha pero buti di po kayo ganun! 😊 im very thankful for this article! it does really open my mind the truth about examining LET! tiwala lang talaga sa sarili at sa Diyos ang puhunan kakayanin ko to! again thank you! and god bless po! :)
ReplyDeleteayus! salamat dito!
ReplyDeleteThank you so much for sharing your experience. This is exactly what I needed. BS Development Communication undergrad po ako at balak ko rin kumuha ng units sa education para makakuha ng LET pagkagraduate ko. I was wondering kung anong major mapupunta sa akin, thanks for answering my question!
ReplyDeletesir. ano po advice mo. pwede ako both, AMA online university or sa school talaga for 18 Units...
ReplyDelete