Monday, September 21, 2015

What is LOVE?

This blog entry was originally written by my student, Ira Jelo Morales, as part of their requirement for my subject, Philosophy of Man.


Love, ano nga ba ang love? Ito ba ay isang bagay na pinanghahawakan? Napupulot lamang ba ito sa tabi-tabi? Nabibili ba ito? O kaya naman ito ay isang makapangyarihang salita na walang sinuman ang makapagbibigay ng tamang kahulugan.

Pag naririnig natin ang salitang “Love” o “Pag-ibig” ano ba ang unang pumapasok sa ating isipan? Iba’t iba ang pananaw ng bawat tao sa Love. Ang iba pag naririnig ang salitang ito ay napapaiyak na lamang, ang iba ay natutuwa, samanatala ang iba naman ay bigla na lamang nagagalit. Para naman sa iba “Love is Sex” na sa kabilang banda “Love is Pleasure” na binigyan nila ng ibang meaning ang “Pleasure” dahil ang Love is pleasurable not because of sex but the feelings you get when you are being loved, iba na iyong “Love is Sex”, iyon ay lust over love na, hindi na pagmamahal ang habol mo sa isang tao kundi sex na, kaya sa huli wala kang mapapala. Napakalawak ng salitang “Love”, masyado itong komplikado para sa ibang tao. Mapakapangyarihang salita ang Love.

Ayon sa Wikipedia “Love is a variety of different feelings, states, and attitudes that ranges from interpersonal affection (“I love my mother”) to pleasure (“I loved that meal”). It can refer to an emotion of a strong attraction and personal attachment.” Pumasok na naman ang salitang pleasure sa Love na maaring i-attribute sa kaninang nasabi na “Love is Sex,” maaring para sa iba ito ay mali, pero para sa mga taong ganito ang paniniwala ito ang ibig sabihin nila para sa “Love”. Ayon naman sa Bibliya “Love is God” and “God is Love”. At ayon naman sa aming Professor sa Philosophy na si Mr. Gaffud mula sa Phenomenology of Love, Love is acceptance, mahal mo ang isang tao kapag tinanggap mo kung ano siya at kung sino siya, hindi ‘yung babaguhin mo pa siya para lamang matanggap mo siya ng buo, sabi nga sa kantang Love me for what I am, “You’ve got to love me for what I am, for simply being me, don’t love me for what you intend or hope that I will be. And if you’re only using me to feed your fantasy, you’re really not in love so let me go, I must be free.”

Without Love, you are nothing at all. Ma-e-experience o hahanapin lamang natin ang Love kapag na-experience o nadarama natin ang pagiging mag-isa sa buhay. Sabi naman ng iba ay “Walang Forever” sa pagmamahalan ng dalawang tao o sa isang relasyon, nasasabi nila ito dahil ito ang na-experience nila sa Pag-ibig na kanilang natamasa sa kanilang karelasyon. Ngunit merong talagang Forever ayon kay Mr. Gaffud, ang sikreto sa Forever is Contentment. Makuntento ka sa kung ano at sino ang karelasyon mo, tulad ng kaninang nasabi na tanggapin mo kung ano at sino siya.

Na-conclude naming magkakagrupo na iba-iba ang pananaw nating lahat sa Love sa pamamagitan ng pagbabasa namin sa sulat ng bawat isa sa’min. Naiiba ang bawat pananaw ng tao sa Love dahil sa kanilang mga na-experience, na-e-experience, nakikita o nadarama. Love is just a word, you just give it meaning based on your own experience.


1 comment:

  1. wow! you are really a good teacher sir! :) you appreciate works of your studenys! kudos to you sir!

    ReplyDelete